Black Leather Jacket

Mga dalawang linggo ko ng iniisip kung bibilhin ko ba yung leather jacket na nakita kong naka hang sa isang Ukay-Ukay Store sa may Makati Cinema Square. Noong nakaraang araw, nag decide ako na sukatin siya dahil mukha namang worth it. Nagpasama pa ko sa classmates ko sa Fashion School (Hello there Xas, China at Roel).

Tinanong ko sa saleslady kung magkano yung item, laking gulat ko na PhP880.00 yung leather jacket na yun. Nanlaki ang mga mata ko noong sinabi niya iyon. PhP 880.00 para sa isang second hand na jacket? Ang dami ko ng mabibiling Colourpop lipsticks nito! Pero kahit na ganun, pinakuha ko pa din kay ate girl yung leather jacket.

Pagkakuha ng sales lady ay sumigaw agad sila Xas ng “Ay may ipis!!!!”

Oo, may ipis na nahulog sa loob ng jacket. Kaya naman tinaktak ko ulit yung jacket, may nalaglag ulit na dalawa. Syempre di na naman ako nakuntento, tinaktak ko ulit ng isa pa yung jacket at may lumabas na limang cute ipis.

Nagsisigaw na kami at ibinalik ko sa sales lady yung jacket. Tumaas ang balahibo ko dahil di ko maimagine na isusukat ko yung black leather jacket na pinamamahayan na ng ipis.

Tinanong ko ulit yung saleslady kung PhP 880.00 pa rin ba niya ipagbebenta yung jacket.

Tumango siya. “Oo Ma’am”

Putcha PhP 880.00 para sa leather jacket na may ipis? Uhhhhm, no thanks.

-09162017-

Advertisements

#byahenilou goes to Mt. 387 (at ang Alamat ng Lover’s Tree)

To celebrate/ divert my attention into something else (dahil nag resign na ko sa first job ko), napag isipan kong umakyat ulit ng bundok. Dahil alam kong kaladkarin and mabilis sumama sa mga gala ang mga roommates ko, eh sila ang sinama ko sa escapade na ito.

Processed with VSCO with c1 preset
Selfie with Ms. Joan (Bakekang on facebook) yung organizer ng event :p

Kasama sina Kuya Joel (na bininyagan na naming Jelo dahil mas gwapo sa pandinig yung name), Marry and Julie, nag avail kami ng tour package kay Ms. Joan na nakilala ko lang sa facebook. This time, we went to Mt. 387 in Puncan, Nueva Ecija.

Processed with VSCO with c1 preset
Mount 387 buddies! Julie, Kuya Joel (Jelo na raw), Ako and Marry!

Nagkita kita kami sa Jolibee Cubao (sa may Gateway Mall) bandang 11 pm. Noong una, akala ko talaga ay bogus yung tour package kasi 10 pm daw yung meet up, tapos 10 pm wala pa yung organizer. Nakakaloka. (Opo may trust issues ako, and lately lang siya na develop). Habang nag iintay, may mga nakilala din kaming mga kapwa nag iintay sa organizer nung event, sila naman ay papuntang La Union, pero Day Tour. Usong uso na talaga yung mga gantong nag oorganize ng event, pano nga naman ay less hassle kasi may sarili na kayong van tapos mas mura pa yung babayarin.

Anyways, umalis kami sa Cubao bandang 11:30 na ata. Alam nung organizer eh 12 lang kaming sumama sa event, pero nung nag head count na eh 13 kaming nasa van, it turns out pala na may isang girl na namali ng sakay at dun pala siya sa grupo ng La Union Day Tour. Hahaha, kung sa akin nangyari yun malamang di ko na alam gagawin ko kasi magpapanic na ko haha.

Nakarating kami ng Nueva Ecija bandang 4:30 ng umaga, nagpalit na ko ng pang hike, and coincidence na may ka parehas ako ng outfit (yellow sleeveless plus black leggings), mag ina pa sila! Mukha tuloy may pa zumba si Mayor sa bundok.

Processed with VSCO with c1 preset
Hi mga co-zumba dancers! Hahaha

Nag start ang aming trekking ng mga 5 am. Habang paakyat, tinanong nung organizer kung bakit daw kami umaakyat ng bundok, nung mga oras na ito, simple lang yung naging sagot ko, uhhm hobby I guess? Pero habang paakyat sana sinabi ko nalang na “this is an escape from reality”. Umaakyat ako ng bundok para makalimot, or maging masaya. Sa pag akyat rin ng bundok na rerealize mo ang value ng simpleng malinis na tubig, pagkain, kuryente at signal ng phone na na te take for granted mo lagi. Dito ko na rerealize na magiging masaya pa din ang isang tao kahit simple lang kung anong meron siya, basta’t kasama mo ang mga kaibigan o kamag anak sa pag akyat, eh solve na solve na ang journey dito sa mundong ating ginagalawan.

Processed with VSCO with c1 preset
Mt. 387 a.k.a. Chocolate Hills of the North! Climb was really worth it!

Processed with VSCO with f2 preset
“Marryyyy picturean mo naman ako sa puno pleeease!” (After 100 shots), tadaaaa!!! Haha

Bandang 7:30 ay nakarating na kami ng peak! WEW no sweat, sabi ko. Nag picture picture kami para may pang aura shot before we headed to Aloha Falls.

Processed with VSCO with c1 preset
Ang “may pa zumba si Mayor” outfit, kaya naman after nito ay na sunburn yung braso ko 😥 
Processed with VSCO with c1 preset
Yes kuya? Kaya mo yan! Hahaha
Processed with VSCO with c1 preset
Pak Ganern!

Isa sa favorite hike ko ito, kasi sobrang breathtaking ng view! Buti na lang at tumigil na ang ambon nung nasa peak na kami, ang bait talaga ni Lord samin!

Processed with VSCO with c1 preset
Wala kaming ka alam alam sa struggle na haharapin namin pa Aloha Falls 😥 Pero instead na Aloha! ang maging reaction namin, Aloweeeey 😥

Dito na nagsimula ang kalbaryo, traverse kasi ang daan namin so mas mahirap, nakailang burol/ bundok ang inakyat baba namin bago makarating sa Falls. Buti na lamang at nadaanan namin ang Lover’s Tree? Lakas maka Coco Martin and Julia Montes na naghahabulan yung view nito.

Processed with VSCO with c1 preset
Mga mamshies nasa Pilipinas pa ba ako? 
Processed with VSCO with c1 preset
Hindi po kami mga Kapuso! Okay korni ko! :p
Processed with VSCO with c1 preset
Sabi nila kaya daw tinawag itong Lover’s Tree eh may mag shotang umakyat sa Mount 387 noong 1980s, tapos nagpahinga sila sa punong ito at nakatulog. Pag gising nila ay kinuha sila ni Kokey. Hindi na sila nakita pang muli matapos iyon. Kaya guys, bawal ng umakyat ang mag shota dito. Pero syempre joke lang po yun! Hahaha

Processed with VSCO with c1 preset
Siya daw ang “That’s My Boy” ng Pasay City! Hahaha

Wala talaga akong hilig sa falls ng ibang probinsya kasi I know Laguna has one of the best falls in the Philippines. Yes, bes ganun ako ka proud. Anyways, when we got there (Aloha Falls), hindi ganung kaganda ang falls, madumi pa. Kaya sa mga magbabalak pumunta ng Aloha Falls, sana mag side trip na lang kayo sa Minalungao? Kasi somewhere din sa Nueva Ecija yun.

Processed with VSCO with c1 preset
Dahil lahat ng gala, dapat may aura! Pak! 🙂

After sa falls eh sinundo kami ng isang lumang truck pabalik dun sa area na pinag akyatan namin, wala na kong lakas mag picture nung truck nung time na ito, pero habang nakasakay ako sa truck, naalala ko yung naramdaman ko while riding a 4×4 nung pa Mount Pinatubo kami. Same feels! Nakaka miss tuloy.

Mga bandang 2 or 3 ay nakasakay na ulit kami ng van pabalik ng Manila, dahil sa sobrang traffic, mga  8:30 na kami nakarating ng Balintawak. Wew, kapagod, pero masaya ang experience 🙂

Sana madagdagan pa ang mga akyat ko this year! Woo! Hanggang sa muli!

 

#byahenilou at Canyon Cove (and promoting my beach skirt)

Yeay! My first gala for 2017! Although pabebe lang itong galang to (compared to last year nung nag hike ako pa crater ng Mount Pinatubo), I’m still happy that I’m with my long-time friends.  Si Trina, she’s working in UNILAB (bigatin) and Marou manages their family business sa Paete, Laguna (Madam).

Nagkita kita kami sa DLTB Pasay, then nagulat sila kasi ang puti raw masyado ng foundation ko. Hay, oo medyo maputi nga si Cathy Doll (yung brand ng foundation), kasi Korean brand siya, and may SPF that adds to the whitening effect chuchu (Daming alam).

Anyways we had  fun chit chatting bago sumakay sa bus pa Nasugbu. I’ve heard na three to four hours yung byahe (parang umuwi rin ako ng Laguna), pero keribells lang. Sa pagsakay naming ng bus, binilisan ko talagang maka upo sa may bakanteng upuan malapit sa bintana, fave ko kasi talagang tumingin sa road while on a long drive, si Marou ang katabi ko that time. Noong papaalis na ang bus, saka naming na realize na ang baho ng katapat namin, iba ang nationality nila (I don’t want to sound like a racist) pero kamag anak sila ng mga taong nagpapautang at mahilig sa “hulugan” ng kulambo, payong atbp business. The struggle is real mga bes! Sa Tagaytay pa sila bababa so we have to endure their smell for at least 1.5 hours, (again,  I Don’t want to sound like a racist) pero dumagdag sa smell yung baon nila Shawarma sa aircon bus, I repeat, sa Aircon bus! Hahahaha

After three painful hours, nakababa na din kami sa bayan ng Nasugbu, Batangas. Maliit lang ang bayan na ito, pero they have Jollibee and Mang Inasal so you can see that the town is on its way to progress. Naghanap muna kami ng tindahan ng Loming Batangas, pare-parehas kasi kaming nag crave. Dinala kami sa isang place malapit sa simbahan at doon kami bumili ng Lomi Batangas. I was really excited until boom, malabnaw yung sabaw ng Lomi. Walang meat, puro chicharon and ang nakaka disappoint, MALAMIG. Hay sad, but okay lang, at least we’re five minutes away from Canyon Cove.

May nakakatawang moment din bago kami sumakay  ng trike pa Canyon Cove, pare parehas kasi ang get up ng ticycle driver duon, ang nangyari may nag approach samin na tricycle driver na maghahatid sa amin pa Canyon Cove, at first namahalan kami sa 120.00, then nag discussed kami na kung pwede tawaran, akala ko nakita ko na si manong driver na nangontrata, inapproach ko siya at nag reklamo na pwede 80.00 nalang, bigla akong na weirduhan sa reaksyon niya, nagulat siya na parang ngayon niya lang ako nakita. Tumawa na  din sina Trina and Marou, yun pala hindi yun yung trike driver na kausap namin, kahawig lang pala. Hahahahaha. Shocks nakakahiya and nakakatawa padin.

Sa pagdating naming sa Canyon Cove, makikita mo kaagad na luma na ang area, pero alam mong na maintain, may mga portion na abandonado and di natapos na mga rooms, pero keribells lang. Sa pagkakatanda ko ang room namin is room 525, tapos may terrace pa yung room overlooking the sea.

unnamed (5)
Welcome to room 525! At ang mala IG post na bedsheet :p

After unpacking our things, we hurriedly went to the pool side para makapag picture taking. Ang dami kong shots sa phone during  this day, kasi plan ko talagang isuot yung skirt na ginawa ko nung maayos pa yung sewing machine ko (RIP to my sewing machine na bigay pa ng tita ko, Lord sana magawa pa). Take a look on our  picture shots.

unnamed (1)
I made this skirt all by myself! Perfect for those who want to flaunt their wow legs! (Kaya bili na! order na!)

 

unnamed (3)
This picture was taken by Madam Marou! Great shot!

After our pang IG shots, lumangoy na kami ng wantusawa. I put on my rashguard that I bought from Baclaran tapos tinry naming both the pool and yung sa dagat mismo. Kung kilala niyo talaga ako, alam niyong di ako ganong marunong lumangoy, konting langoy langoy lang ganern. But for today, nagawa ko mag floating, lol oo na mababaw pero sobrang achievement nito sakin. Hahahaha

unnamed
With Marou! Dinrawingan ko yung kilay niya nung mga panahong ito! And I am so proud!
unnamed (4)
Artehan pa natin mga bes! (Di halata ang scolio ko in fairness!)

We had our dinner sa cafeteria nila, nag order kami ng three different kind of pastas, and sobrang sarap tapos busog na busog kami! After that nagkwentuhan nalang kami sa room hanggang sa makatulog kami. It was really fun J Kinakabukasan, Monday, kailangan na naming mag check out ng 12 noon, para di magkaron ng additional charges. Nag VL ako nung mga panahong ito, and worth it talaga ang pag VL.

unnamed (2)
With 3na, magaling mag joke to since 2007! :*
unnamed (6)
One of the few decent group pictures at Canyon Cove!
unnamed (7)
Swimming till the sun sets! lol #teamrashguard

Masaya talaga mag travel with friends, lalo na with HS friends, walang oras na di ka tatawa, kasi alam mong same kayo ng kakornihan at mga pananaw sa buhay. Sana magkaron pa ko ng madaming #byahenilou moments with the friends I cherish.

 

Life Updates

Matagal tagal na din kasi noong huli akong nakapag blog ng matino, kaya heto, magkukwento nalang ako ng mga ramdom (at mahahalagang) stuffs na nangyari sakin.

First time na may nagpatahi sa akin! (Woot Woot!)

Marahil ilan sa inyo ang may alam na nag aaral ulit ako, hindi nga lang ito related sa course ko. I’m studying every Saturday at Slims Fashion and the Arts School. Limang buwan na din pala ako nag aaral dito, and limang buwan nadin akong nakatutok sa sewing machine.

Sa pagkakaalam ko, medyo may skills sa pananahi yung mga tita ko from my father side. Lola ko daw, marunong manahi, mga tatlong tita ko ata marunong manahi sa father side, then isa sa mother side. Ako, eversince mahilig na ako sa mga crafts and DIY stuffs. Hanggang sa nung nagtatrabaho na ako, I just realized na why not i-enhance ang skills ko by enrolling in a Fashion School? Syempre, hindi naman ako nabigo. Every saturday is a fun day! 🙂

Medyo friendly din naman ako ng kaunti sa office, kaya naman nakukwento ko sa mga friends ko na nakakasabay ko sa multicab na nag school ako, kasi “medyo” madaldal naman ako. Anyways, hindi ko inakala na bibgyan ako ng opportunity nung friend ko from accounting na gawin yung costume nila for presentation sa Christmas Party nila. Noong tinanong niya ko if kaya ko raw ba mag conceptualize at gawin yung outfit from scratch, ay hindi ako nag atubili, I accepted the challenge without thinking twice! Hanggang sa naisip ko na I only have one week para gawin ang limang skirt at sampung headbands. Ang hilig ko pa naman mag procrastinate kaya ang kinalabasan, natulog ako around 3am, yung day mismo ng deadline. I believe na nagawa ko naman yung duties ko as a designer/ sewer. proof is a picture below:

unnamed
Oh diba? Kabog! 50s inspired costume 🙂

Sa kasamaang palad eh nahiya ako mag papichur sa kanila, paano ba naman yung pinaka leader lang talaga nila yung ka close ko, baka naman sabihin nila FC ako pag nag pa picture ako sa kanila 😦 Anyways, I’m really happy today! -121916

 

Nagka pimple breakout ako dahil…

Days before our christmas party, tinadtad ako ng pimples sa mukha 😥 Akala ko noong una dahil sa stressed from our group’s presentation, ako kasi ang nag volunteer maging leader for the props team, eh tribe dance yung gagawin ng group kaya we have to provide several props and costumes na nakaka drain ng utak… and money of course.

Doon ko talaga sinisi yun, pero hindi pa rin talaga sila umaalis kahit pahiran ko ng pimple gel. Sinisi ko rin sa hormones? Or baka naman sa bedsheet ko to. Kaya naman pinaltan ko kagad ang bedsheet ko, wa epek padin, may mga spots padin ako all over the face. Haaay. Kainis. -___-

Hanggang sa naalala ko yung incident na nangyari two weeks ago, NALAGLAG KO NGA PALA YUNG FACIAL WASH KO SA INIDORO! Dahil sa inakala kong malinis pa naman siya, eh agad kong kinuha gamit ang fast hands ko (medyo kadiri) at nilinis ko nalang yung facial wash ng bongga. Hay nako, lesson learned. Kailangan ko na sigurong maglinis palagi ng inodoro (Joke lang po mga ka DDS).

#iLOUcos getaway

After almost four years, nakabalik ako sa Ilocos! Okay na sana lahat hanggang sa nakalimutan kong dalhin yung atm ko. Tsk talaga.500 lang laman ng wallet ko, aba paano po maka survive yung 3 days 2 nights sa Ilocos? Buti na lang madam yung isa kong roommate na kasama ko rin sa trip! Masaya naman yung trip, balak kong ipost yung mga worthy pictures namin dito sa blog soon! Pag hindi po ako inatake ng katamaran.

Nagpunta kami sa Bangui Windmills, Paoay Church, Laoag, Pagudpud, Patapat Viaduct Bridge, Baluarte, Museums, Vigan at iba pang mainstream sites sa Ilocos. After ng trip, nag decide ako mag linis ng wallet ko by omitting yung mga receipt na hindi ko naman kailangan only to find out na nasa wallet ko pala all throughout ng trip yung ATM KO! que horror. 😥

unnamed-1
With my madam roommate, Marry (more photos on my next blog! Stay tuned!)

#byahenilou goes to Hulugan

Marami rami na rin akong napuntahang bago this year. Nariyan ang Pinatubo, Bataan, Pico de Loro, mga buwis buhay trekking sa iba’t ibang bundok sa iba’t ibang probinsiya sa Pilipinas. Ngunit naisip ko na Why not try my own province first? Kaya naman naisipan naming ng aking “ate” na lakbayin ang kagandahan ng Hulugan Falls sa Luisiana Laguna.

 

Matagal ko na ring alam tong lugar na ito. Una ko siyang nakita sa facebook ng first friend ko sa UPLB na si Clarkyyy. Namangha ako that time kasi ang laki ng talon, at hindi ko akalain na sa Laguna pa ito matatagpuan. After a year na pag iisip eh nag desisyon kaming pumunta ni “Ate” last Sunday, October 2, 2016.

img_1317
Hulugan Falls on a closer look. Mas malakas ata ang tubig nung una itong nag viral sa facebook, that was last year October 2015 🙂

Compare sa Bukal Falls, mas maiksi and mas chill ang trekking sa Hulugan Falls. Meron na kasing concrete na daan papunta sa mismong trail. Lagpas tanghali nang kami ay makarating sa Lusiana, at bumungad samin ang isang tourism officer siguro ng naturang falls. Binigyan niya kami ng tour guide, tawagin na lang siguro natin siya as Marlou. Mabait naman siya, tulad ng mga iba kong guide na nakasalamuha.

 

20 pesos per head ang aming bayad para sa entrance fee ng falls, 20 per head din for the tricycle and ikaw na bahala kung magkano ang bayad mo sa guide. Nagsimula ang mismo naming hike bandang 1:00 pm. Parehas kaming naka tsinelas ng “Ate” ko, medyo may takong pa nga yung kanya. Kaya naman, pinagamit ni Marlou ang tsinelas niya para naman makalakad ng maayos ang aking “Ate”. Nakasalubong pa nga naming ang aming third cousin sa mother side and nagbatian naman kami.

img_1319
Yeaay me! and that fumefeeling-si-ate-girl-na-overnight-sa-falls back pack

After almost 45 minutes of pabebe trekking ay nakarating din kami sa Hulugan Falls. As expected, maunti ang tao dito dahil tapos na ang Hulugan Falls craze. Dati raw ay 1000 people ang visitors dito per day. Magandang tip din siguro na palampasin muna ang “craze” bago ito puntahan. Less hassle, less crowd and more opportunity to take some good photos!

img_1320
Ang ganda naman ng smile natin ate Fat! :p
img_1318
Photo op wih Kuya Marlou the tour guide.

 

Wala pang alas singko ay nakarating na kami sa aming bahay. Balak ko tuloy I trek ulit ang Bukal Falls pagkatapos ng Buka Falls craze.

Isa na namang spontaneous adventure (and 300 photos later) ang aming napuntuhan? Where to next kaya kami ni “Ate”? ABANGAN…

#byahenilou goes to Pico de Loro

It’s been a while since I posted an entry on my blog. For this post, I would like to share to you my experience during our company outing at Pico de Loro Hamilo Coast in Nasugbu Batangas.

As far as I know, the beach is exclusive for members of the Pico de Loro, good thing na under SM Prime Holdings ang may ari so I had the chance to experience the burgis way of company outing.

In the morning we have to team up with different employees, and napapunta ako sa Yellow Team. We have to do a cheering stint sa beach area then games.Sobrang init noong araw na iyon, buti na lamang at makapal ang mukha ko kaya nakahingi ako sa friend ng friend ko ng sunblock. Good thing din na naka oversized hat ako which gives me sufficient protection from the sun.

At the end of the games, nag champion ang team namin. Paano ba naman napaka competitive ng mga ka team ko. Pero minimal lang ang participation ko sa games dahil alam kong lampa ako lol!

We had a sumptuous buffet lunch at the hotel. Hindi rin maiiwasan ang pagiging clumsy ko kaya naman nakadanggi na naman ako ng isang employee, at natapon ang ¼ ng food niya. It is so saddening. Buti na lamang at mabait siya kaya hinayaan na niya na lang ako. Anyways, di ko na masyadong natandaan yung menu ng food, basta ang natandaan ko na lang eh ga plato ang kinuha kong salad kaya di ko to naubos. Sad ulit.

So here comes the afternoon, though maraming mga SM Prime Employees ang piniling mag swimming sa beach area or sa infinity pool ng country club, My friends and I decided to have a “squad goals at the beach kinda” photoshoot. Thanks syempre sa aming very professional photographer este officemate na si Geb Baroro.

*All of the shots were taken by Geb, if you want to book him, hmmm alam na, just PM me, Oh and all of these are raw shots! *

DSC_3563
Kahilo po ang init mga be

Masaya naman ang company outing, pero mas masaya padin yung part na kasama mo ang mga close friends mo sa office while doing your happiest thing (yun ay yung pag popost at pag a-aura).

DSC_3588
And yes We were also the candidates for Ms. Philippines Earth 2016, for like 5 minutes.
DSC_3571
I highly recommend this pa sosyal outfit for the not so beach body ready like me!

There you go! Our company summer outing (Which were really late dahil mag tatag ulan na kaya?) Sana matuloy yung mga ibang drawing na plano sa beach with my family or friends. Hanggang sa muli mga ka-ermitanya!

Tularan si Wonder Lola

IMG_9855
Ang papalapit na traffic sa Gil Puyat

Ibang iba na talaga ang init ng panahon these days no? Yung tipong kakatapos mo lang maligo tapos hindi ka pa tapos mag bihis eh tagaktak na agad ang pawis mo at ang lagkit lagkit na.  Umaga pa yun ha? Imagine-nin nalang natin ang init pagdating ng tanghali.

Kaya naman nang may inasikaso ako somewhere in Makati area then natapos yun bandang ala una ng hapon eh medyo nagiging best actress na ang kili kili ko sa init ng panahon. Mabuti na lamang at nakasakay ako kagad sa isang punuuang jeep papuntang terminal pa-Laguna. Haaay salamat, makakapagpahinga nadin, makaka experience na ulit ng aircon (sa provincial bus) after a stressful and sobrang nakaka dyahe day.

Ngunit habang papasakay ako sa jeep ay napansin ko kagad ang isang batang lalakeng umiiyak. Karga karga siya ng kanyang ina. Yung ina naman ay medyo bata pa, wala pa nga ata itong bente. Nakasakay sila sa dulo ng sasakyan kung saan mas ramdam mo ang init ng panahon. Hindi rin umuusad ang jeep dulot ng everyday traffic ng Manila, kaya naman mas lalong umiyak ang bata.

Iyak pa din ng iyak ang bata. May mga pasahero ng nakakapansin ng kanyang pag iyak. Yung iba na bubwisit pa nga. Kaya naman ginawa na lahat ng paraan ng nanay na patahanan ang kanyang anak. Binigyan na niya ito ng gatas ngunit wala pa rin, patuloy pa rin ang kanyang pag iyak. Kinalong niya rin, ngunit wala parin. Mas  lalong nagwala ang bata habang nananatiling nakatigil ang jeep na aming sinasakyan.

Madami na ang nakatingin sa mag-ina dahil halos magwala na ang bata. Natigil lamang ang iyak ng bata nang may isang matandang babae na katapat nila ang nagpaypay sa kawawang bata. Pinaypay niya ang bata hanggang sa magtahan na, at tumahimik na ang munting bata.

Kung tutuusin ay dakila si lola. Nagawan niya ng paraan upang malutas ang problemang kinakaharap ng mga pasahero sa jeep. Imbis na mag reklamo at sungitin ang ina ay gumawa siya ng paraan upang mapatahan ng bata. Dahil alam niyang siya ang may resources (sa scenario na ito ang resources ay pamaypay) ay nagawa niyang patahanin ang bata. Mababaw lamang di ba? Ngunit bigyang pugay padin natin si lola dahil sa halos dalawampung nakaupo ay siya lang ang may pake upang patahanin ang nagwawalang bata.

Isipin na lamang natin na ang:

Gobyerno = ina ng bata

Batang umiiyak = problemang kinakaharap ng bansa

Jeep = Pilipinas nating mahal

Pasehero = citizens of the Philippines

Wonder lola = concerned citizens of the Philippnes

Kung patuloy tayong mag rereklamo, isisisi ang lahat na lamang ng kapalpakan sa gobyerno at mananatiling ignorante sa sarili nating bansa, ay patuloy padin nating maririnig ang pag-iyak ng bata na hindi man lang nabigyang lunas ang problema. Kahit marami sa atin ang aware at nararanasan ang problema, ay huwag tayong magbibingihan. Bagkus ay tumulad tayo kay wonder lola na nakaisip (kahit sa mumunting paraan at sa abot ng kanyang makakaya) ng lunas sa problema sa loob ng siksikang jeepney.

Si Wonder Lola na nag parehistro at boboto sa darating na eleksyon, si Wonder lola na pumipila ng tama (dahil patience is a virtue), nagtatapon ng basura sa mga tamang lalagyan, tinatrato ng tama ang lahat ng makakasalamuha (mapa security guard, waiter, street sweeper etc.), sumusunod sa batas trapiko at marami pang ibang mga simpleng bagay. Simple man kung tutuusin, kung ang lahat naman ng Pilipino ay magiging katulad ni Wonder Lola, tiyak na magiging hayahay ang ating bansa.

Huwag nating iasa na ang siunusuportahan nating kandidato sa darating na eleksyon ang magbibigay ng pagbabago, dapat ay tayo mismo ang magsimula ng pagbabago. Katulad ni Wonder lola, tayo ay gumawa ng mga simpleng paraan na alam nating makakabawas sa mga umaalingasaw ng problema ng Pilipinas. Nawa, sa susunod na administrasyon, ay huwag lang tayong magreklamo. Gamitin natin ang lahat ng ating makakaya at resources (katulad ng pamaypay ni lola) upang patahanin ang nagwawalang problema ng Pilipinas.

Ikaw? Patuloy ka pa rin bang magbibingi bingihan sa ating problema?

 

#byahenilou goes to Las Casas

Bata pa lamang ay mahilig na akong pumunta sa mga heritage houses. Dahil kulang sa budget noong ako’y estudyante pa, hanggang bahay ni Rizal pa lamang ang aking napupuntahan. Hindi ko din pala pinalampas ang mga nagagandahang heritage houses ng Pila, Laguna na siyang patok na patok na shooting place for commercials, pinoy movies (yung first movie ng Kathniel ay dito shinoot) at syempre mga group video projects back in High School. Tanda ko pa nga na heritage houses ang topic ko noong ako’y gumawa ng special project para sa subject ko for HIST 1 sa UPLB. Nagpaiwan kasi ako sa supposedly field trip namin dahil takot na takot akong bumagsak noon sa MATH 17, at kailangan ko ng matinding review para maipasa ko ang second exam (Oh well, sa totoo paranoid lang talaga ako that time).

Anyways, dahil ipinangako ko sa sarili ko na magagala ako sa mga lugar na nakikita ko lang sa TV or Instagram dati, napagpasyahan ko na pumunta sa isang heritage house park sa Bagac, Bataan. Kasama ang aking travel buddy na si Edelweis (rumoured gf pala ito ni Alex Cabagnot), ay pumunta kami sa Las Casas Filipinas de Acuzar.

IMG_9116
Meet my travel buddy Edelweis at ang “candid shot” kuno naming kuha sa isa sa mga pinto ng heritage houses.
IMG_9111
No filter needed selfie. (Wala po talagang filter yan, it’s just the sun rays I guess)

Para mapadali ang aming byahe ay nag book kami ng shuttle service plus entrance fee sa head office ng Las Casas Filipinas. Sa pagkakatanda ko ay 2,000 ang aming ginastos. Kasama na rito ang shuttle service from Ortigas to Bagac then Bagac to Ortigas, entrance fees, welcome drinks at tour guide around the park (kasama rin siguro sa fees yung tan lines namin after the trip). Papuntang Bagac ay may nakasabay kaming professor from Ateneo. Dahil madaldal siya at madaldal ako, nagkwentuhan kami ng kung ano-ano. Ininterview kami ni Edel kung bakit daw namin gustong pumunta ng Las Casas, kung ilang taon na daw kaming friends at marami pang iba! Sa kamalas malasan ay nakalimutan ko na ang kanyang pangalan kahit na ang dami na naming napagkwentuhan. Sakit ko na ata talaga ito. Pero tandang tanda ko pa ang journey niya as a PhD student sa Australia.

IMG_9114
Tourist shot at Las Casas Filipinas de Acuzar! (40 degree Celsius ata ang init na aming naranasan noon)

Mag a-alas onse na ng makarating kami sa beautiful Las Casas Filipinas de Acuzar. Ang Las Casas Filipinas de Acuzar ay isang heritage park malapit sa beaches. Nakatayo sa park na ito ang halos tatlumpung heritage houses from all over the Philippines. Ayon sa aming trusted na tourist guide, binili daw ni Mr. Gerry Acuzar (ang may ari ng park) ang mga heritage houses na ito at tinransport piece by piece sa Bataan. Sa ganitong paraan ay napanatili niya ang kagandahan ng mga bahay, kaysa naman kung ano-ano pang gawin ng gobyerno sa mga bahay na ito right?

IMG_9113
Isa sa mga nagagandahang bahay ng Las Casas. Mukhang nasa Europe di ba?
IMG_9112
Ganito kaganda ang Las Casas! Pero sana po tapusin niyo na yung pag rerestore dun sa chuch please! hihi

Nagsimula ang aming mandatory tour pagkatapos naming mananghalian sa over priced restaurant nila. (Nakalimutan ko na pala kung anong pangalan ng aming tour guide kaya ating pangalanan siya na ate Shawi). Si ate Shawi ang nag tour sa amin sa Las Casas. Marami rami siyang ikinwento tungkol sa mga chistory (chismis noon, history ngayon) at mga kwento sa likod ng bahay na aming pinuntahan. Hindi syempre mawala ang tour kung hindi papasukin ang loob ng mismong bahay. Ang malas ko ata ngayong araw na ito dahil ngayon ko pa talaga naisipan na isuot ang aking gladiator sandals. Bakit malas? May rule pala na kailangan mong tanggalin ang sandals or sapatos mo bago pumasok sa mga heritage houses. Pahirapan tuloy akong magtanggal at magkabit ulit ng aking sandals. Ang malas lang!

IMG_9117
Dedicated sa work si ate Shawi! Nakikisingit din siya minsan sa usapan namin ni Edel about the history behind the houses! Go girl!
IMG_9110
Ang aking gladiator shoes na pahirapan sa pagtanggal at pagkabit!

Mag a-alas tres ng matapos ang aming tour sa Las Casas. Nako, bitin pala yung tour namin dahil bago mas alas kwatro ay dapat nakasakay na kami sa shuttle pabalik sa Manila. Kaya naman di na namin pinalampas ni Edel ang pagkakataon upang makakuha ng mga IG and facebook worth pictures dito. Wala na rin kaming time pumunta ng beach sa Las Casas dahil punuuan ang shuttle papunta sa beach place (Saaad).

IMG_9109
Dito pala nag shooting ang Heneral Luna. Ito ang place kung saan pinatay si Heneral Luna ng mga di kilalang sundalo. Sa pose na ito ay ine-aim kong gayahin ang last pose ni Heneral Luna noong siya ay pinatay. Pero mukha raw akong lumpia sa pose na ito. Sad.

Masaya naman ang naging adventure namin sa Las Casas, yun nga lang ay talagang mabibitin ka kung ikaw ay nag book ng kanilang shuttle service. Mabuti pa sana kung mag overnight ka sa Bataan para hanggang gabi ka rito. Ang cool din kasi kung makikita mo ang sunset sa beach ng Bagac, Bataan. Anyways, malamang sa malamang ay babalik ako sa lugar na ito. Malapit na raw kasing mag operate yung tram nila (parang maliit na train. Lakas maka old Manila non for sure!).Umalis kami sa shuttle around 4:15 pm, inintay pa kasi namin si Atenean professor then eventually nagpa iwan din siya (ay saad, yun na ata ang huli naming pagkikita).

IMG_9115
Meron din palang ikinasal sa church rito! Ang bongga diba? Pak! Ganern.
IMG_9108
That Gayahin si Bill Guwardya si Bill selfie shot!

Kung trip niyo ang mga old style Spanish houses habang nakabilad sa araw, eh i try niyo na ang Las Casas Filipinas de Acuzar! Talaga namang mamamangha ka sa mga nagagandahang structures, blue colored beaches at syempre ang warm welcome ng mga staffs rito.

#byahenilou goes to Mt. Pinatubo

Noong nakarang January 23, 2016 ay naisama ako ng aking officemate sa isang adventure patungong Mount Pinatubo. Nagsimula ang aming paglalakbay kasama pa ang ibang officemate sa pagsakay sa isang 4×4 jeep. Dahil halos dalawampu kami sa grupo at limang tao lang ang kasya sa isang 4×4 jeep ay nagpasya kaming maghiwa hiwalay. Ang aking nakasama sa 4×4 jeep ay ang teammate ko na si Benmar with his girlfriend at ang dalawang foreigner from France na hindi ko maintindihan kung couple or mag bestfriend lang. So, just imagine kung gaano ako ka third wheel or should I say fifth wheel during the entire 4×4 jeep ride. Nag stop over kami sa kalagitnaan ng byahe para ma appreciate ang lahar at makapag picture taking na din.

Processed with VSCOcam with g3 preset
Isa akong dakilang third wheel! Chos!
Processed with VSCOcam with g3 preset
Ang mala Rio Grande na 4×4 jeep (Lakas maka Crazy Beautful You)
Processed with VSCOcam with g3 preset
Dahil kailangan ng selfie sa bawat adventure! Charot!

Matapos ang isa’t kalahating oras ng pagsakay sa 4×4 jeep ay nagsimula na ang aming trekking papuntang crater ng Mount Pinatubo. Dahil halos alas nuwebe na ng umaga ng kami’y magsimulang maglakad ay ramdam na ramdam ang init na dulot ng araw. Mabuti na lamang ay nagsuot ako ng pekeng Under Armour rash guard na natawaran ko pa sa Baclaran ng 50 pesos. Nakapaglagay din naman ako kahit papano ng Celeteque face and body sun cream (not a paid advertisement! Haha) kaya naman alam kong protektado ako. Sa kamalas-malasan ay nakalimutan kong maglagay ng sun cream sa aking tenga kaya matapos ang trekking ay nagkaron ako ng sun burn dito. Sad.

Processed with VSCOcam with c1 preset
It’s a beautiful day for a Mt. Pinatubo adventure!
Processed with VSCOcam with c1 preset
Nasaan kana Daniel Padilla? Hahaha.

Pabebe trekking lang ang daan papuntang Mount Pinatubo, ‘yun nga lang ay I expect mo na sobrang init na parang desyerto ang tatahakin mo dahil wala kang makikitang puno. Sa aming trekking, ay paminsan minsa’y  makakasalubong mo ang mga native people from Zambales, mga nagdidiet atang mga kalabaw (or baka ibang species sila ng kalabaw basta yon) at mga maliliit na sapa. Pagkalipas ng dalawang oras ay nakita na rin naming sa wakas ang crater ng Mount Pinatubo!

Processed with VSCOcam with c1 preset
“Benmar! Picture-an mo naman ako habang naglalakad” Hahaha!

Sadya namang kay gandang tanawin ng Mount Pinatubo kaya nama’y  agad napawi ang aming pagod sa pag-akyat. Ngunit bago kami magsimulang mag picture taking at I appreciate ang ganda nito, ay kumain kami ng lunch na kasama sa aming tour package. Matapos nito ay bumaba na kami pa crater at nagsimula na ang pag popose, selfie, video at kung ano ano pang anek anek na remembrance from this day’s adventure.

Processed with VSCOcam with c1 preset
Ang bumungad sa aming pag-akyat sa Crater! Blockbuster rin ang pila para makapag picture dito.
Processed with VSCOcam with c1 preset
Disclaimer: Madami naman akong decent picture pero nakakatawa to kasi na capture yung mannerism ko sa pagtawag ng tao. Haha
Processed with VSCOcam with c1 preset
Ang against the light na kuha ko! And opo, naka chucks ako pag akyat. 🙂

Kay ganda sa Mount Pinatubo ano? Totoo nga naman na isa siyang A Beautiful Disaster! Samahan niyo akong tuklasin ang Pilipinas sa pamamagitan ng pag-akyat ng iba pang mga bundok, pagbisita sa mga ancestral houses, paglalalakad ng naka paa sa mga white sand beaches at iba pang experience na sa Pilipinas lang mararanasan.

 

Ang aking Dream Date

Processed with VSCOcam with g3 preset
Love Locks sa Baclaran Church

Noong ako’y bata bata pa, yung mga tipong 16 years old pa lang ako, pinangarap ko ang isang engrandeng date. Yung tipong susunduin ka pa sa bahay niyo, bibigyan ka ng isang malaking bouquet, isasakay ka sa isang mamahaling kotse, tapos kakain kayo sa isang restaurant na may anim na meal course. Manunuod ng sine at tatapusin ang araw sa pag surprise sa akin ng isang engrandeng fireworks. Maglalakad pabalik sa kanyang mamahaling sasakyan, at ibibigay niya bigla sa akin ang coat niya kasi nakita na niya akong nilalamig. Ganito kasi ang mga klase na nababasa ko sa Precious Hearts Romances or sa Wattpad. Idagdag pa na ang itsura ng ka date mo ay mala-Adonis, ang height ay hindi bababa ng 5’10”, at ang mukha? naku dapat mala Paulo Avelino.

Ngunit habang tumatanda, na realize ko kung gaano ka imposible ang lahat ng ito. Na hindi naman lahat ng date ay dapat maging engrande. Na dapat ang mahalaga, eh yung makilala mo kung sino ang dine date mo. Ma discover kung compatible ba talaga kayo or he’s just another douche bag. Dahil mukhang it will take years or even a zillion years bago ako makipag-date ulit, Narito ang ilan sa mga gagawin ko sa aking dream date.

  1. Magdasal sa Baclaran Church

Bakit Baclaran Church?  Malapit sa akin ang Baclaran, literally and figuratively. At saka matao sa Baclaran, idagdag pa ang init na dulot ni haring araw. Dito ko makikita kung game ba siyang makipag siksikan, mapawisan at mag-amoy araw makita lang ako (wow self centered si atiiii). Magsisimba muna tapos mag titirik ng kandila sa labas ng simbahan. Sa Baclaran rin makikita ang  love locks version ng Pinas. Ito yung makikita mo rin sa Paris at South Korea. Iyong isusulat mo ang pangalan mo at pangalan ng taong mahal mo sa isang padlock, tapos i lolock mo yun sa mga bakal bakal malapit sa rebulto ni Our Lady of Perpetual Help. Pero dahil ito ay first date, syempre hindi ko muna i lolock ang pangalan naming dalawa. Baka takot pala sa commitment yung ka date ko, biglang magtatakbo. Or baka gustong gusto na nito magpakasal, at bigla na lamang mag propose sa harap ko. Delikado na.

2. Mag-gala at mag share ng pre- WW II stories sa Escolta Musuem

Dahil sa Baclaran kami galing, marahil na ang susunod naming puntahan ay somewhere in Manila lang. Kung saan pwede kang sumakay sa LRT. (As much as possible gusto kong iwasan ang MRT sapagkat doble o triple ang tao rito. This means mas mahabang pila sa pagkuha ng ticket at mas siksikan ang tao sa loob ng bagon). Kumbaga kung may dala kang tasty galing sa bakery, paglabas mo sa MRT eh kakalahati na lamang ang laki dahil na piyaot na. Balik tayo sa museums. Mahilig akong pumunta sa museum. Dito ko kasi naiilalabas ang appreciation ko sa mga artifacts, paintings at sculptures. Paborito ko sa lahat yung unfinished portrait ni Amorsolo na matatagpuan sa National Museum. Mapapaisip ka kasi kung bakit hindi niya iyon natapos, or meron naman palang explanation sa internet at tamad lang ako maghanap.Anyways, ayun sa ibang blog na nabasa ko, ang Escolta Museum daw ay isa sa mga underrated museums in Manila. Dito raw matatagpuan ang mga kolesyon ng larawan at ibang paraphernalia bago pa man tayo sakupin ng mga Amerikano. Sana ma amaze siya sa mga makikita niya rito. Dagdag points kung may ma i she- share siya sa akin na mga anecdotes sa panahong ito.

3. Kumain sa Buffalo Wings N’ Things (malapit sa SM MOA By the Bay)

Ito lang ata yung buffalo wings resto na nakaka extra rice ako. Sobrang sarap kasi nung dirty rice nila, pati yung buffalo wings nila talagang malasa at masarap! Best part dito sa Buffalo Wings N’ Things eh under PhP 150.00 lang ang magagastos mo! Sana magustuhan to ng ka date ko, aba kung hindi kukunin ko sa pinggan niya yung dirty rice niya, at ako na uubos. Nadala ko na rin dito yung mga officemates ko sa SM, at yung iba sa kanila eh napa extra rice pa kasi nga masarap. Bilib na kayo sa taste buds ko? Haha.

4. Manuod ng sunset sa Manila de Bay

Dahil katapat lang ng Buffalo Wings N’ Things ang Manila de Bay, hindi ko na rin palalampasin manuod ng sunset kasama ang aking butihing date. Habang nag iintay lumubog ang araw, ikukwento ko sa kanya ang mga pangarap ko sa buhay, ang mga pagkakamali ko in the past which makes me a better person today, ang mga bloopers ko simula HS hanggang college, mga jokes na tinatago at iniingitan ko for almost a decade. Ikukwento ko lahat ng mga nangyari sa buhay ko, hanggang hindi ko na namalayan na lumubog na pala ang araw.

Magpapaalam ako sa kanya na may ngiti sa aking mga mata. Magpapasalamat din ako dahil inimbita niya ko upang kilalanin namin ang isa’t-isa pero not in a flirt way. Hindi ko siya yayakapin o i hahand shake paalis bagkus ay pipisilin ko ang dalawa niyang pisngi. Maglalakad ako papuntang south station ng MOA, at aalahanin lahat ng mga pinagagagawa namin buong araw. Sa panahong ito ay hindi ko pa sigurado kung may susunod bang date? Magiging kami kaya? O siya na ba ang naka tadhana para sa akin? Well, hindi ko muna ito iisipin. Ang mahalaga ay natupad ang aking dream date (posible pa ring di mangyari) na ilang taon ko bago nakamit.